Hinigpitan muli simula kaninang alas-5 ng madaling araw ang border controls sa buong lungsod.
Batay ito sa kautusan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella kasunod nang tumataas na bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod, kung saan naitala ang 59 na bagong kaso ng nasabing sakit.
Ayon kay Labella, papayagan lang na makalabas-pasok sa Cebu City ang mga mayroong legitimate concerns, mga trabahador at Authorized Person Outside of Residence (APOR), samantalang hihigpitan din ang paglabas ng mga residente dahil ibabalik din ang coding scheme sa mga quarantine passes.
Sinabi ni Labella na ayaw na nilang ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu City kaya’t kailangang higpitan muli ang quarantine measures.