Hindi pa kailangang isara ang border ng Pilipinas kahit mayroon ng unang kaso ng Monkeypox virus sa bansa.
Ito ang nilinaw ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa gitna ng pangamba ng ilan sa posibleng idulot ng nasabing sakit, lalo’t hindi pa rin natatapos ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Vergeire, nasa low to moderate naman ang risk classification level ng Monkeypox.
Gayunman, kailangan anyang magpatupad ng preventive measures laban sa naturang virus.
Una nang inihayag ni Vergeire na halos 95% ng Monkeypox cases sa buong mundo ay kumalat dahil sa sexual activities pero hindi ito itinuturing na sexually transmitted disease.