Ipinasara na ng Denmark ang border nito sa Germany sa harap ng pagbaha ng daan daang refugees mula sa Syria.
Ayon sa report, sinuspinde na ng Denmark ang lahat ng biyahe ng tren mula at patungong Germany matapos na magmatigas ang mga refugees na bumaba sa Germany at sa halip ay humirit ang mga ito na dumiretso sa Sweden.
Nagmamatigas din ang mga refugee na magrehistro sa Denmark na magbibigay daan sa mga ito para makapag apply ng asylum.
Sa kabila ng insidenteng ito, tiniyak ng denmark police na ibayong pasensya ang kanilang ipinapakita at ipinapairsal sa harap ng krisis.
By: Ralph Obina