Hindi na kailangang higpitan ang border restriction ng bansa para sa mga traveler dahil sa kasalukuyang COVID-19 surge sa China.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, ilan sa mga dahilan kung bakit muling tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa China ay ang hindi pagpapabakuna ng mga matatanda o elderly population ng primary series at booster shot.
Pero, binigyang-diin ng eksperto na karamihan sa mga nakakahawang subvariant ng Omicron na naitala sa China ay na-detect na rin sa Pilipinas gaya ng BA.5, BQ.1 at XBB.
Kaya naman muling pinaalalahanan ni Solante ang publiko na maging maingat at sumunod sa health protocols upang maiwasang mahawa ng naturang sakit.