Muling bubuksan ang border sa pagitan ng Saudi Arabia at Iraq matapos itong maisara sa loob ng halos 30 taon.
Ayon sa Saudi Makkah Daily, napagkasunduan ni Baghdad Saudi d’ Affaires Abdul Aziz Al-Shammari at Iraqi Ambassador Rashidi Mahmoud Al -Ani na muling buksan ang border para magamit ito kalakalan.
Nagkaroon din ng inspeksyon ang dalawa sa border sa hilagang bahagi ng Saudi para sa gagawing pagpapasinaya.
Bago ito ay tanging mga pilgrim lamang ang pinapayagang dumaan dito patungo sa Mecca.
By Rianne Briones