Papayagan na ng Estados Unidos na makapasok sa mga borders na bubuksan ang mga fully vaccinated travelers.
Nabatid na bubuksan na ng US Government ang ilang mga borders na sisimulan sa Nobyembre 8.
Habang papayagan na ring makapasok sa kanilang bansa ang nasa 33 pang bansa kabilang na ang China, India, Iran, Ireland, South Africa at iba pang mga bansa.
Samantala, kailangan lamang na ipakita ang negative COVID-19 test result na kinuha sa loob lamang ng 72hrs bago ang kanilang biyahe, proof of vaccination habang ang anumang bakuna na aprubado ng Estados Unidos at ang mga bakuna na inaprubahan ng World Health Organization para sa emergency use ay tatanggapin para sa air travel. —sa panulat ni Angelica Doctolero