Ginagamit na ring bakunahan ang Borongan Cathedral sa Eastern Samar.
Kasunod na rin ito nang inilaan ng Local Government Unit ng borongan na 560 doses ng Moderna vaccine para sa mga senior citizens, persons with comorbidities at economic frontliners.
Ayon sa Eastern Samar Provincial Health Office, nasa 59,000 residente na ng bayan ng Borongan ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang nasa 31,000 na ang naka kumpleto ng kanlang ikalawang dose.