Muling magsasama sa isang proyekto sina Bossing Vic Sotto at ang aktres na si Dawn Zulueta.
Sa isang larawan na ina-upload ni Dawn, makikitang kasama nito si Bossing at kanyang sinabing dumalo sila sa meeting kaugnay ng kanilang gagawing pelikula na titulong Love Trap Hashtag Family Goals.
Ilang followers naman ang natuwa sa kanilang larawan at inalala ang classic TV series na Okay Ka Fairy Ko kung saan minsang gumanap si Dawn bilang si Faye.
May follower din na na-excite sa sinabing reunion nina Enteng at Faye.
Si Dawn ay gumanap na Faye na asawa ng karakter ni Vic na si Enteng sa TV series na Okay Ka Fairy Ko noong 1995 matapos nina Alice Dixon at Tweetie De Leon.
Ang reunion movie nila Dawn at Bossing Vic na Love Trap Hashtag Family Goals ay isa sa opisyal na entry ng MMFF o Metro Manila Film Festival ngayong 2017 kasama ang iba pang pelikulang ang Panday, Almost is not Enough at The Revengers.