Doble-trabaho na ang mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna para magka-baby na this year.
Ayon kay Bossing, bagamat very supportive naman ang kanyang misis sa kanyang mga proyekto ay kusa na umano syang naghihinay-hinay dahil alam niyang gigil na si Pauleen na magkaroon ng baby.
Umaasa si Bossing na magbubunga na ang kanilang madalas na pagbabiyahe ng kanyang asawa upang malayo sa stress at agad na makabuo ng maliliit na Vic at Pauleen.
Enero ngayong taon nang mag-isang dibdib ang dalawa sa St. James The Great Parish Church sa Alabang, Muntinlupa.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from pauleenlunasotto / Instagram