Excited na si Bossing Vic Sotto sa muling pagtatambalan nila ng aktres na si Dawn Zulueta sa upcoming movie nila na “Meant to Beh”, na opisyal na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival o MMFF.
Maliban dito, isa pang kinapapanabikan ni Bossing ang darating na Pasko kung saan siya babalik sa MMFF.
Sinabi ni Vic na ibang Bossing ang mapapanood dito ng kanyang mga fan dahil malayo ito sa mga nakasanayan niyang fantasy movie.
Proud aniya siya sa pelikulang ito lalo’t ito ay pampamilya, pang mga bata at pang mag – asawa.