Pinag-uusapan pa din ang pag-iisang dibdib ni Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna sa St. James Parish Church sa Alabang.
Kapuri-puri ang pagiging intimate ng wedding nina Bossing kasama lamang ang kanilang mga malalapit na kapamilya at kaibigan.
Naging highlight naman ng kasal ang pagiging emosyonal ni Bossing na bihira lamang makita ng publiko.
Buong puso ang pasasalamat niya sa kanyang mga anak na nirespeto ang kanilang desisyong lumagay sa tahimik.
Nakiusap naman si Bossing sa kanyang biyenan, ang ama ni Pauleen na kung maaari ay pare na lamang ang itawag niya dito dahil mas matanda pa siya sa edad nito.
Samantala, tutulak si Mr. and Mrs. Sotto sa Maldives para sa kanilang honeymoon.
Una nang sinabi ni Pauleen na kung loloobin ng Diyos sana ay agad silang biyayaan ng baby ni Bossing.
By Rianne Briones
*Photo: Screengrab from mymetrophoto Instagram
Samantala, inilabas na din ang touching wedding video nina Bossing Vic at Pauleen Luna.
Ang video ay ini-upload ni Jason Magbanua, kung saan ipinakita ang highlights ng wedding ng couple, kabilang na ang wedding preparations, church ceremony, at mga eksena sa reception.
Ang musika para sa video ay isinulat ng singer na si Reese Lansangan.
*Video Credit: From Jason Magbanua’s Youtube Channel