Nagwagi sa NBA ang Boston Celtics at Golden State Warriors matapos makapagtala ng parehong iskor na 122.
Unang nanalo ang Boston Celtics matapos pataubin ang Miami Heat sa 1st , 3rd at 4th quarter dahilan para maitala ang iskor na 122-92.
Nanguna sa panalo ng koponan si Jaylen Brown na nagpakawala ng 29 points habang 20 points naman ang naiambag ni Jayson Tatum.
Samantala, nilampaso naman ng Golden State Warriors ang Houston Rockets sa iskor na 122-108.
Tinambakan ng Warriors ang Rockets sa 2nd at ika-4th na laro habang tabla naman ang naging iskor sa 3rd quarter.
Nanguna naman sa koponan si Stephen Curry na nakapagtala ng 40 points at Andrew Wiggins na nakaambag ng 23 points.
Abangan naman ang susunod na laro ng dalawang koponan kung saan, makakaharap ng Celtics ang Charlotte Hornets sa Thursday, alas-8:30 habang makakalaban naman ng Warriors bukas ang San Antonio Spurs, alas-9:30, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero