Sasailalim sa surgery si Boston Celtics forward Gordon Hayward matapos ang left leg injury.
Gayunman sinabi ni Celtics Coach Brad Stevens na inaasahan niya ang full recovery ni Hayward kapag sumalang na sa surgery.
Si Hayward ay ibiniyahe pabalik ng Boston at dinala sa New England Baptist Hospital para sa kinakailangang treatment sa kaniyang injury.
Sinabi ni Stevens na nalulungkot si Hayward dahil bukod sa physical pain ang emotional pain matapos ibigay ang best effort sa laban kontra Cleveland Cavaliers kung saan sila natalo noong Martes.
Hindi naman masabi ni Stevens kung kailan uubrang makapaglaro si Hayward subalit inaasahan nilang sandaling panahon lamang ay makakarekober na ito mula sa kaniyang injury.
—-