Isang hakbang na lang patungong NBA Finals ang Boston Celtics.
Ito ay matapos nilang pataubin sa Game 5 ng Eastern Conference Finals ang Cleveland Cavaliers sa iskor na 96-83.
Nanguna sa tagumpay na ito ng Celtics si Jayson Tatum na kumana ng dalawampu’t apat (24) na puntos habang nag-ambag naman si Al Halford ng labinlimang puntos.
Samantala, bigo naman si Lebron James na buhatin ang Cavs.
Oras na manalo ang Boston sa Game 6, maghihintay na lamang ito ng mananalo sa pagitan ng mga koponan ng Golden State Warriors at Houston Rockets para sa finals.
—-