Nakatikim ng unang talo ang Boston Celtics sa game 3 ng NBA playoffs.
Ito ay matapos matambakan ng Milwaukee Bucks ang Celtics sa iskor na 92 – 116.
Sa first half pa lamang ng laban, naging matindi na ang depensa ng Bucks para malimitahan ang opensa ng Celtics.
Pinangunahan naman ni Khris Middleton ang panalo ng Bucks kung saan nakagawa ito ng 23 points.
Malaki rin ang naitulong ni Giannis Antetokounmpo na nakagawa ng 19 points gayundin sina Eric Blesoe at Jabari Parker na kapwa nakagawang 17 points.