Nilampaso ng Boston Celtics ang Miami Heat sa Game 4 ng NBA conference finals sa iskor na 102-82.
Tinambakan ng Celtics ang Miami sa una at ikalawang quarter pero nakuhang itabla ng Miami ang iskor sa ikatlong quarter.
Nanguna sa panalo ng koponan si Jayson Tatum na nakapagtala ng 31 points, 8 rebounds at 5 assists habang nasayang naman ang 23 points 4 rebounds, 6 assists ni Victor Oladipo.
Samantala, abangan naman bukas, alas-8:30, ang muling paghaharap ng dalawang grupo sa Game 5 ng NBA conference filnals.