Nagwagi sa NBA Conference Semi-finals ang Boston Celtics kontra Milwaukee Bucks sa iskor na 116-108.
Tinambakan ng Celtics ang Bucks Sa ikalawa at ika-apat na quarter, dahilan para maitala ang kanilang panalo.
Nanguna sa koponan sina Jason Tatum at Al Horford na parehong nakapagtala ng 30 points habang nasayang naman ang 34 points, 18 rebounds at 5 assists ni Giannis Antetokounmpo ng Bucks.
Abangan naman bukas, ang susunod na laban ng dalawang koponan alas-siete ng umaga oras sa Pilipinas.