Hindi nabilang ang boto ni dating vice president Jejomar Binay.
Isa lamang si Binay sa mga botante na hindi binasa ng VCM o Vote Counting Machine ang balota dahil mayroon itong mga marka.
Ayon kay Binay, dapat ay pinalitan ng board of election inspector ang kanyang balota dahil dati na itong may mga itim na marka.
“Ang sabi niya sa akin, talagang may tinta, yung isang imprenta talaga. Mark. Yan naman mark na merong indications na talagang ma re reject. Dapat naman nun may binigay. Supposedly dapat nun tiningnan nila eh. Eh bakit naman hindi agad sinabing mark. Wala na ako, kaya nga ako magrereklamo, pupunta ako sa COMELEC.”
Una rito, umalma rin ang isang botante sa Maynila nang hindi basahin ng VCM ang kanyang balota dahil nilagyan nya ito ng thumbmark.
Sinasabing mismong ang BEI ang nagsabi sa kanya na lagyan ng thumbmark ang balota dahil mayroong space na nakalagay doon para sa thumbmark.