Pagbobotahan na ng Kamara ang Death Penalty bill sa February 28.
Ito ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang napagkasunduan nila sa isinagawang caucus ng Majority Bloc matapos kuwestyunin ng mga kontra sa panukala ang quorum sa plenaryo sa debate hinggil sa nasabing usapin.
Binalikan ni Fariñas ang oposisyon sa Kamara na kapag walang sapat na quorum para makinig sa mga ito sa interpellation hanggang bukas wala na aniya silang magagawa kundi paagahin ang botohan na dapat ay sa kalagitnaan pa ng Marso gagawin.
Hanggang ngayong araw na ito aniya itinakda ang period of amendments at gagawin kaagad ang botohan pagkatapos nito.
Kasabay nito ipinabatid ni Fariñas na nagdesisyon din ang supermajority na papatawan lamang ng parusang kamatayan ay mga sangkot sa mga krimeng may kaugnayan sa droga, plunder at treason.
By: Judith Larino