Nagpapatuloy ang botohan sa Ad Hoc Committee on the BBL para sa kada linya ng probisyon sa panukalang Bangsamoro Basic Law.
Ang tinaguriang Chairman and Vice Chairmans Draft ng BBL ay binubuo ng 109 na pahina at bawat isang linya rito ay tinatalakay ng komite.
Bagamat aktibo pa rin sa pagpasok ng kanilang mga amyenda ang ilang minority Congressmen tulad Nina Zamboanga Cong. Celso Lobregat at Bayan Muna Representative Neri Colmenares, lagi namang talo ang mga ito sa botohan.
Kinukuwestyon ng ilang mambabatas ang mga pagbabago sa draft ng BBL makaraang makipagpulong ang mga kongresista sa Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang linggo.
Matatandaan na noong isang linggo pa dapat pinagbotohan ang BBL subalit ipinagpaliban ito ng komite upang bigyan umano ng pagkakataon ang lahat na muling pag-aralan ang panukala.
By Len Aguirre
Photo Courtesy of: Jill Resontoc