Hindi matutuloy ngayong araw ang botohan ng House Justice Committee sa committee report at articles of impeachment sa reklamo laban kay Supreme Court Chief justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay matapos na mabigong makumpleto ng komite ang articles of impeachment sa kanilang itinakdang deadline.
Ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, nais ng mga panel members na maging kumprehensibo ang articles of impeachment bago pagpasiyan kung anong alegasyon ang aalisin o isasama depende na rin sa nakahaing ebidensiya.
Posible aniyang sa Lunes o Martes na sa susunod na linggo matutuloy ang pagdinig at botohan dito.
Samantala, inihayag ni Umali na hindi pa malinaw sa ngayon ang magiging papel ni dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang bahagi ng private prosecution team.
Habang payag na rin aniyang maging bahagi rin ng private prosecution team sina Atty. Tranquil Salvador at dennis Manalo na mga dating abogado ni yumaong Chief Justice Renato Corona.
—-