Nangangamba si Congressman Ruffy Biazon na posibleng matanggal din ang committee chairmanship o ang pagiging deputy speaker ng sinumang miyembro ng Kamara na hindi boboto sa impeachment ni Vice President Leni Robredo.
Sinabi ni Biazon na kung sakaling matuloy ang pagpapababa kay Robredo sa pwesto, huwag sanang ipatupad ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang naging polisiya niya sa botohan ng death penalty bill kung saan tinanggal sa pwesto ang mga kumontra sa panukalang batas.
Una nang inihayag si Alvarez na pinag-aaralan ng liderato ng Kamara na iimpeach ang pangalawang Pangulo.
Biazon mas pabor na idaan sa malawakang pagdinig ang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte
Mariing inihayag ni Congressman Ruffy Biazon na hindi niya lalagdaan ang pagtatransmit sa senado ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
1/3 umano ng mga kongresista ang kailangang lumagda bago matransmit sa senado ang impeachment complaint na isinampa sa Kamara.
Sinabi ni Biazon na mas nanaisin niyang dumaan sa proseso ang naturang impeachment complaint laban sa Pangulo gayundin ang kahalintulad na reklamong pinaplano laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Biazon, mas gusto niya ang malawakang pagdinig ng House Justice Committee kaysa sa 1/3 na mga pirma.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc / Aileen Taliping