Ipinag-utos na ni Russian President Vladimir Putin ang pagsasagawa ng botohan para sa pag-amyenda ng kanilang konstitusyon sa Abril 22.
Ito ay sa kabila ng ikinahaharap na problema sa pagkalat ng corona virus disease 2019 (COVID-19).
Gayunman tiniyak ni Putin na kanila pa ring isasaalang-alang ang magiging sitwasyon sa nabanggit na araw.
Oras na makalusot ang pag-amyenda sa konstitusyon ng Russia, mabibigyan ng pagkakataon si Putin na muling tumakbo sa pagka-presidente at posibleng maupo hanggang 2036
Batay sa ilalim ng kasalukuyang konstitusuon ng russia, kinakailangan nang bumaba sa puwesto ni putin sa 2024 kung kailan matatapos ang kanyang ika-apat na Presidential term ends.