Nanaig ang botong ‘no’ sa ginawang plebesito sa Palawan na layong hatiin ang probinsya sa tatlo.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez sa bilang ng Board of Canvassers (BOC) lumabas na 172,304 na mga taga-Palawan ang bumotong ‘no’, habang 122,223 naman ang bumotong ‘yes’ o pabor sa paghahati sa kanilang probinsya.
Bagamat may isa pang munisipalidad ang hindi pa nabibilang ang resulta ng ginawang plebisito, giniit ni Jimenez, na malinaw ang boses ng mga taga-Palawan na hindi pabor ang mga ito na hatiin sa tatlo ang kanilang probinsya.
Mababatid na sa naturang plebisito, pinapili ang mga botante ng ‘yes’ o kaya’y ‘no’ sa paghahati ng palawan sa tatlong probinsya na Palawan Del Norte, Del Sur, at Oriental.
Sa huli, nagpasalamat ang poll body sa mga taga-Palawan na lumahok sa makasaysayang plebisito.