Sinisimulan na ang sequel ng box office hit na “That Thing Called Tadhana” na pinagbibidahan nila Angelica Panganiban at JM De Guzman noong 2014.
Ito ang inihayag ng mismong isa sa bida ng nasabing pelikula na si JM.
Ayon kay JM, nakausap niya na ang direktor ng pelikulang “That Thing Called Tadhana” na si Direk Antoinette Jadaone at sinabi umano nito na sinisimulan na ang pagsulat ng script para sa sequel ng nasabing box office hit.
Dagdag ni JM, hihintayin na lamang nilang matapos ito ni Direk Jadaone lalu’t ayaw umano nitong madaliin ang pagsulat sa pelikula.
Aminado rin si JM na maganda ang naidulot ng nasabing pelikula sa kanya lalu’t iyon ang kanyang unang proyekto matapos makabalik mula sa kanyang unang rehab.
Sa ngayon ay naka-focus umano si JM sa kanyang bagong serye na “Precious Hearts Romances Presents Araw-Gabi” katambal ang aktres na si Barbie Imperial.