Papayagan nang lumaban kahit walang suot na headgear ang mga lalaking boksingero sa 2016 Rio Olympics.
Ito’y matapos katigan ng International Olympic committee o IOC ang mungkahi ng World Boxing Federation na AIBA.
Dahil dito, ito ang unang pagkakataon na hahayaang sumampa ng ring sa Olympics ang mga male boxers nang walang proteksiyon sa ulo makalipas ang mahigit 30 taon.
Ayon sa IOC, naglatag ng ebidensya ang AIBA ng medical research na nagpapatunay na malabong magkaroon ng head injury o concussions ang mga atleta kahit walang headgear.
Ang mga boksingero ay pinagsusuot na ng headguards mula pa noong 1984 Los Angeles Olympics pero pinayagan ang hindi pagsusuot nito sa Moscow Games noong 1980.
By Jelbert Perdez