Posibleng hindi na abutin ng apat na taon ang boxing career ni Senador Manny Pacquiao at magretiro na rin ito.
Ayon ito sa boxing analyst na si Atty. Danrex Tapdasan sa harap ng mga panawagang magretiro na habang kampeon pa si Pacquiao.
Sinabi ni Tapdasan na posibleng ramdam na rin ni Pacquiao na nagkaka edad na siya kaya’t mahaba na ang pagitan ng kanyang mga laban.
“Sa 5 years medyo malabo na. Sa istilo kasi ng pagiging fighter ni Manny Pacquiao, yung pagiging risk taker niya ay medyo hindi ko nakikita na magpapatuloy pa siya ng 5 more years. Kita naman natin ang mga naging world champions na matatanda narin. Itong mga boksingero na ito ay nasa mataas na dibisyon.”
Ayon kay Tapdasan, muling may naitala na namang bago sa kasaysayan si Pacquiao matapos maagaw kay Keith Thurman ang welterweight belt para sa WBA.
Bukod anya sa siya pa lamang ang boksingerong lumaban sa walong dibisyon, siya na rin ngayon ang kauna unahang 40 anyos na naging kampeon pa sa naturang dibisyon.
“Mabagal din kasi yung mga boksingerong sa 175 pounds kaya masasabi natin na as far as welterweight division is concerned, kung saan nandoon sila Roberto Moran, Oscar Dela Hoya, etc, si Manny Pacquiao is the oldest ever welterweight champion in history atsaka ito among elite ito ha. Manny Pacquiao tops them all.” — Pahayag ni Boxing Analyst Atty. Danrex Tapdasan
(Ratsada Balita interview)