Kinasuhan ng isang kumpanya ng alahas si retired boxing champion Floyd Mayweather Jr.
Ito ay matapos mabigo ang boksingero na bayaran ang 1.4 Milyong Dolyar na kuwintas na puno ng diyamante.
Sa inihaing reklamo ng the Jewelers Inc, sinabi nitong nagbayad si Mayweather ng isang Milyong Dolyar nang bilhin nito ang 3 Milyong Dolyar na halaga ng kuwintas noong Setyembre 2015.
Nakapagbayad pa umano si Mayweather ng anim na tig 100 Libong Dolyar, subalit hindi na ito nakapagbayad simula noong Mayo.
Ang kaso ang ikalawang lawsuit laban kay Mayweather sa loob ng 11 taon hinggil sa alahas.
By: Katrina Valle