Wagi ang Nebraskan boxing champion na si Terence Crawford (30-0, 21 knockouts) laban sa nagtangkang umagaw ng kanyang championship belts na si American boxer John Molina, Jr. sa naging bakbakan ng dalawa.
Matagumpay na naidepensa ni Crawford ang kanyang WBO at WBC Junior Welterweight titles sa eight round.
Umpisa pa lamang ng sagupaan ay nagpaulan na agad ng mga combination ang Nebraskan boxer kay Molina.
Nagbigay ito ng mga jab at pinuntirya ang mukha at katawan ng American boxer.
Bahagyang nakabawi ng ilang mga suntok si Molina pero mabilis na nakadepensa si Crawford na nakapagpaatras dito.
Nang ma-corner na ni Terence si John ay dito na muli niya binakbakan nang binakbakan ang kalaban.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AP