Nakatakda ng buksan ng boxing icon na si “Iron Mike” Tyson ang kanyang marijuana plantation o rancho sa California.
Ito’y makaraang i-legalized ng California state ang pagbebenta ng non-medical marijuana, noong unang araw ng bagong taon.
Ang nasabing plantasyon na tinawag na “Tyson Ranch” ay matatagpuan sa California City, malapit sa Death Valley National Park.
May lawak itong 40 acres o 16.2 hectares at nakalaan para sa produksyon ng high-quality marijuana kung saan magtatayo rin ng isang supply store, extraction facility, edible factory, cultivation school upang hasain ang mga grower at magkakaroon smoker-friendly campgrounds at cabins.
Gayunman, wala pang eksaktong petsa kung kailan bubuksan ang nasabing marijuana ranch na pinasinayaan ni Tyson kasama ang kanyang mga business partner noong December 27.