Siniguro ni Boxing Legend Oscar Dela Hoya na magugulat ang karamihan sa kanyang muling pag-akyat sa boxing ring sa darating na Setyembre 11.
Iyan ay para sa sagupaan nila ni dating UFC World Champion Vitor the Phenom Belfort sa Los Angeles, California.
Ayon sa boksingero, kahit na labing tatlong taon na ang nakalilipas sa huling laban nila ng pambansang kamao Manny Pacman Pacquiao.
Hindi pa rin aniya nabago ang kanyang pagkagutom sa boxing at hinahanap hanap niya ang sakit ng katawan.
Aniya, ibang klase ang ginawa niyang pagsasanay at kung tutuusin daw ay hindi naman siya nagretiro sa mundo ng boxing matapos ang laban kay Pacman noong 2008. —sa panulat ni Rex Espiritu