Wala pa umanong planong magretiro si Senador Manny Pacquiao sa boxing sa kabila ng pagkatalo nito kay Yordenis Ugas ng Cuba.
Ayon sa isang miyembro ng team Pacquiao, gusto ni Pacman na gawin ang kanyang farewell fight sa Pilipinas sa Disyembre o Enero sa Philippine Arena, Bulacan.
Gayunman, maaaring sa US o Middle East ilipat ang laban kung patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Bukod sa posibleng rematch, kabilang din umano sa mga pwedeng makasagupa ng pambansang kamao si Ryan Garcia o Saul Canelo Alvarez para sa kanyang huling laban.
Nais din ng fans na labanan ng people’s champ si Josh Taylor ng Scotland na may record na 18-0 at naging 2012 Olympian at kasalukuyang may hawak ng WBC, WBO, WBA Super at IBF Super lightweight Titles.