Babalik sa Pilipinas ang American band na Boyce Avenue para sa serye ng concert na gaganapin sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ito ay kinumpirma ng Willbros Live na concert promoter ng American Trio.
Gaganapin ang naturang concert sa February 11 sa Araneta Coliseum, 12 sa Waterfront Hotel sa Cebu at 14 sa SMX Convention sa Davao.
Makakasama naman sa concert sa Manila ang The Juans, Adie at Nobita habang ang huling dalawa lamang ang makakasama sa Cebu at Davao.
Samantala, magsisimula ang bentahan ng ticket sa November 19, 10 a.m. via ticketnet.com.ph sa Manila at smtickets.com sa Cebu at Davao. – sa panulat ni Hannah Oledan