Ipina-cite for contempt ng House Committee on Good Government ang Singaporean businessman at boyfriend ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na si Mark Chua.
Ito ay matapos nang ilang ulit na kabiguan ni Chua na dumalo sa pagdinig ng mababang kapulungan ng Kongreso sa anomalya sa pagbili ng mga sasakyan ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte gamit ang tobacco excise tax.
Ayon kay House Committee on Good Government Chairman Congressman Johnny Pimentel, kanilang napag-alaman na si Chua ang nagbayad at nag-isyu ng kanyang personal check para sa mga biniling sasakyang ng Ilocos Norte.
Sinabi pa ni Pimentel, sakaling hindi sumagot si Chua sa kanilang ipinalabas na show cause order, ay kanilang itutuloy ang pag-aresto dito.
Batay aniya sa tala ng Bureau of Immigration o BI ay nakalabas na ng bansa si Chua.