Masasaksihan na ng mga fan mamayang gabi ang concert ng Irish boy band na Boyzone.
Ngayon pa lang tiwala na ang Boyzone na magiging matagumpay ang kanilang concert sa Araneta Coliseum matapos ang 18 taon nang huli silang magtungo dito sa Pilipinas.
Ayon sa grupo, kanilang kakantahin ang greatest hits nilang “Everyday I Love You”, ‘No Matter What’ at The Going Gets Tough.
Ang Boyzone ay binubuo nina Keith Duffy, Shane Lynch, Ronan Keating at Mikey Graham.
By Ralph Obina