Inihayag ng pamunuan ng Bank of the Philippine Islands (BPI), na mayroon itong scholarship program sa mga naulilang mga anak ng mga nasawing frontline medical workers.
Sang-ayon sa “Pagpugay Scholarship”, pipili ang BPI ng 10 mga anak ng nasawing medical frontliner at pag-aaralin ito ng libre sa loob ng limang taon.
Ayon kay Owen Cammayo, executive director ng BPI Foundation, patuloy aniya ang ginagawang pagpili ng BPI at mga katuwang nitong mga unibersidad sa mga maswerteng mabibigyan ng scholarship.
Dagdag pa ni Cammayo, maglalaan ng P100,000 ang programa sa kada scholar nito kada taon, bilang panggastos nito sa tuition at ilan pang mga bayarin sa kanilang pag-aaral.=
Narito naman ang ilang mga unibersidad sa buong bansa na katuwang ng BPI sa kanilang scholarship program:
- Ateneo De Manila University
- De La Salle University—Manila Campus
- Saint Louis University sa Baguio
- University of San Carlos
- Xavier University sa Cagayan De Oro, at iba pa.