Muling tiniyak ng BPI o Bank of Philippine Islands na isandaang porsyentong walang hacking na nangyari nang makaranas ng aberya ang computer system ng bangko.
Sa kanyang pagharap sa hearing ng senate committee on banks, sinabi ni Ramon Jocson, executive vice president ng BPI na mayroon silang cyber security operations center at circuit breaker upang maiwasan ang hacking.
Sinabi ni Jocson na, natukoy na rin nila ang programmer na nagkamali kayat nagkaruon ng aberya ang computer system ng BPI.
Gayunman, tiniyak ni Jocson na walang malisyosong intensyon ang bpi programmer nang mangyari ang pagkakamali kayat inilipat lamang nila ito ng ibang departamento.
Tiniyak rin ni Jocson na walang BPI customer ang nawalan ng pera sa kanilang account.
Humarap rin sa pagdinig ang mga kinatawan ng BDO o Bangko de Oro na kamakailan ay nakaranas rin ng aberya sa kanilang atm.
By Len Aguirre (With Report from Cely Ortega Bueno)
BPI muling tiniyak na walang hacking na nangyari sa naganap na system glitch ng bangko was last modified: June 21st, 2017 by DWIZ 882