Naalarma ang mga kliyente ng BPI o Bank of the Philippine Islands matapos mabawasan ng pera sa kanilang accounts.
Binaha ng reklamo sa social media ang BPI dahil sa unauthorized transactions tulad ng nado-dobleng debit.
Inamin naman ng BPI ang nararanasang internal data processing error kayat ilang kliyente nila ang nakaranas ng dobleng debit o dalawang beses na credit sa kanilang transaction.
Tiniyak naman ng BPI na inaayos na nila ang kanilang sistema kasabay ang paghingi ng paumanhin sa kanilang mga depositor.
Source: BPI/ Twitter