Tumanggi ang BPI o Bank of the Philippine Islands na maglabas ng detalye sa umanoy bank account ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin ng BPI na iginagalang nila ang umiiral na Bank Secrecy Law.
Magugunitang binuhay ni Senador Antonio Trillanes ang anito’y umaabot sa 2.2 Billion Pesos na itinatagong bank account ni Duterte sa BPI Ortigas Branch.
By: Judith Larino