Tiniyak ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na magiging patas ang makatarungan ang kanilang ipapataw na parusa sa BPI o Bank of the Philippine Islands.
Ito’y sakaling mapatunayan sa isinagawa nilang imbestigasyon na may pananagutan ang nasabing bangko sa nangyaring systems data error nito noong isang linggo.
Ayon kay incoming BSP Governor Nestor Espenilla Jr., hindi muna nila sinimulan agad ang kanilang imbestigasyon upang bigyang daan ang BPI na maisaayos ang anumang gusot sa kanilang mga kliyente.
Una nang inihayag ng BPI na gumagana na ang lahat ng kanilang electronic banking channels noon pang Biyernes ngunit umapela ito ng pang-unawa dahil sa may kabagalan pa rin ito.
By Rianne Briones
BPI system glitch iniimbestigahan na ng BSP was last modified: June 12th, 2017 by DWIZ 882