Uubra nang ma-access ng mga customer ng BPI ang electronic channels ng nasabing bangko.
Batay ito sa pinakahuling advisory ng BPI na ipinalabas 9:00 ng gabi noong Huwebes matapos ang anito’y technical glitches sa kanilang sistema na naka-perwisyo sa marami.
Kabilang sa electronic channels nito ang ATM’s, internet banking at mobile banking.
Nagpaalala naman ang BPI sa posibleng maranasang traffic related difficulties sa paggamit ng online at mobile channels dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga transaksyon.
Gayunman, tiniyak ng BPI na balik normal na ang sistema sa mga susunod na araw kasabay nang paghingi muli ng paumanhin sa kanilang customers.
By Judith Larino