Nakatakdang suspendihin ng tatlong araw ang lahat ng uri ng transaksyon sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa lungsod ng Muntinlupa.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, magiging epektibo ang naturang suspensyon sa mga transaksyon sa BPLO mula ika-21 hanggang ika-23 ng Disyembre.
Ito’y para bigyang daan ang gagawing paghahanda ng local government unit para sa gagawing paglilipat operasyon ng tanggapan.
Kasunod nito, sa ika-28 ng Disyembre, nakatakda muling magbukas sa publiko ang BPLO sa bago nitong tanggapan.