Humihhirit pa ang Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sector ng karagdagang panahon upang maibalik ng mga empleyado nito sa on-site work.
Ayon kay IT and Business Process Association of the Philippines President Jack Madrid, kailangan pa nila ng panahon para sa transition ng work-from home set-up at on-site operation.
Siniguro rin nito na susunod ang BPO firms sa utos ng gobyerno, mahirap daw kasi ang maglipat ng higit isang milyong personnel at mga kagamitan mula sa bahay patungong opisina kung kaya’t kailangan pa ng dagdag na panahon.
Nabatid na sa kabila ng krisis sa bansa dahil sa pandemya, ay nakapagbukas ng 23,000 na trabaho ang BPO sector noong 2020, habang 100,000 naman noong 2021. —sa panulat ni Mara Valle