Nagbabala ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) kaugnay sa maaaring kaharapin na penalty ng mga BPO company kung hindi pa magbabalik sa opisina ang kanilang mga empleyado pagsapit ng Abril.
Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, maaring ma-revoke ang lisensya o masuspinde ang mga incentive ng mga kompanya na lalabag sa mga kautusan ng pamahalaan.
Nabatid na ang Fiscal Incentives Review Board ang siyang nag-utos na pabalikin na sa opisina ang mga empleyado ng mga BPO company simula Abril a-1.
Samantala, hiniling naman ng mga BPO company na suportahan ng PEZA ang hybrid work set-up, bagamat mairerekomenda pa lamang ito sa susunod na administrasyon. — sa panulat ni Mara Valle