Inaasahang makapagbubukas ng oportunidad ang sektor ng Business Process Outsourcing (BPO) sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Rey Untal, presidente ng Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP), umaabot sa 70,000 hanggang 80,000 trabaho ang binubuksang trabaho kada taon ng BPO.
Inilabas pa ng IBPAP at Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Miyerkules ang listahan ng tinatawag nilang “digital cities 2025” kung saan ilan sa mga ito ay ang Balanga City, Batangas City, General Santos City at Dagupan City.
Dahil aniya rito, makakaasa ang maraming Pilipino ng bagong trabaho mula sa BPO.