Tuloy pa rin ang opsyon na work-from-home para sa mga manggagawa ng business process outsourcing (BPO) sa bansa.
Ito ang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa gitna ng mahabang isyu sa wfh arrangement para sa information technology and business process management (IT-BPM Sector).
Ayon kay Diokno, naresolba na ang isyu sa naganap na pagpupulong ng fiscal incentives review board (FIRB) nitong Miyerkules.
Dito pinalawig ang umiiral na FIRB Resolution 017-22 kung saan pinapayagang magwork-from-home ang 30% ng mga empleyado sa bpo at physical setup sa 70%.
Noong September 12 dapat magwawakas ang kautusan na unang ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng covid-19 pandemic.