Pumalag ang BPO workers sa nais na onsite-work ng gobyerno sa Abril a-1.
Nabatid na pinababalik na ang mga manggagawa sa industriya ng outsourcing ng negosyo sa pilipinas sa ilalim ng Alert level 1 status sa Metro Manila.
Base sa resolusyon ng gobyerno ang Work-From-Home set up ng mga manggagawa ay magtatapos na lamang hanggang sa Marso a-31.
Dahil dito, 90% ng mga manggawa ay pinababalik na sa kanilang trabaho sa opisina.
Ayon kay Paolo Parayno, isang BPO worker, okay sa kanila na bumalik onsite pero hindi parin dapat makampante ang gobyerno dahil lang sa mababang kaso ng COVID-19.
Dapat din aniya na huwag biglain ang mga manggagawa na bumalik sa kani-kanilang opisina dahil hindi umano lahat ay nakatira sa Metro Manila. —sa panulat ni Angelica Doctolero