Nanawagan ang isang mambabatas sa pamahalaan na kanilang ipaliwanag ng husto sa mga nakatatanda ang isinusulong na ‘brand agnostic policy’ sa gitna ng vaccination program ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo Ordanes na marami siyang natatanggap na tanong hinggil sa naturang panukala na hindi ia-anunsyo ang brand na bakunang gagamitin.
Dagdag pa ni Ordanes na hindi ito nararapat lalo na’t marami pa rin sa halos sampung milyong mga nakatatanda o senior citizens ang mali ang pananaw pagdating sa usapin ng bakuna kontra COVID-19.
Sa kabila nito, nanawagan si ordanes sa pamahalaan na paigtingin ang kanilang information drive hinggil sa benepisyo ng pagpapaturok ng bakuna.