Nananawagan ang Philippine Association of Meat Processors Incorporated (PAMPI) na huwag agad husgahan ang brand ng processed meat products na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay PAMPI Spokesperson Rex Agarrado, bagama’t naging transparent ang Bureau of Animal Industry (BAI), dapat pa rin nitong isapubliko ang sitwasyon at proseso kung paano kinuhanan ng sample at isinailalim sa test ang nabanggit na produkto.
Paliwanag ni Agarrado, siyam na araw bago naisailalim sa test ang nabanggit na produkto matapos namang makumpiska pantalan sa Calapan Oriental Mindoro.
Sa loob aniya ng nabanggit na mga araw inilagay ito sa iisang lagayan kasama ang iba pang nakumpiskang homemade na processed meat products.
Ito naman aniya ang dahilan kung bakit hindi agad naisapubliko ang brand ng processed meat na sinasabing nagpositibo sa ASF.
For certain periods magkakasama ang mga produkto sa iisang taguan, nagra-ramble sila dun, don’t know what’s been happening and nung na-testing po actually, one of the test results showed that Pampanga was infected, normally po ang procedure sa siyensya is kapag nakakuha ka ng positive result you do a re-test. Since kulang na po yung mga materyales, kasi ang proseso nililibing yung mga nasamsam, wala na pong test na magawa. This is the reason why nung unang lumabas yung balita walang brand na isinabi not because tinatago sa publiko but because medyo may doubts,” ani Agarrado.
Binigyang diin naman ni Agarrado na hindi nila ipinagtatanggol ang nabanggit na brand bagkus ay bilang isang processed meat company na makakaapekto rin sa iba pang mga kumpanya.
Hindi namin dini-defend ang sitwasyon, Mekeni is not our member company but Mekeni is a friend and I say Mekeni is a processed meats company so, we have to look at it sa processed meat category all together. ASF hindi nakakaapekto sa tao, ASF ligtas ang tao mayroon o wala hindi magkakasakit sa tao. Ang issue ng ASF is an issue of animal infection not of human health,” ani Agarrado. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.