Pormal nang nagretiro si dating World Champion Brandon “Bam Bam” Rios matapos siyang pabagsakin sa laban ni Timothy Bradley noong weekend.
Ayon kay Rios, ito na ang tamang panahon para tumigil sa pagbo-boksing dahil sa iba na aniya ang takbo ng kanyang katawan.
Hindi na aniya ito katulad ng dati at anumang subok niya ay hindi naman nagre-react ng tama ang kanyang katawan na napatunayan sa laban kontra Bradley.
Una rito, dalawang beses bumagsak sa ika siyam na round ng laban si Rios ngunit sa ikalawa ay itinigil na ng referee ang bakbakan kontra Rios.
By Ralph Obina